Mas matatag ba bilateral relations tiniyak sa muling paghaharap nina Duterte at Bolkiah
Personal na sinalubong sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Brunei President Sultan Hassanal Bolkiah para sa kanyang state visit sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte na napakahalaga sa kanya ng nasabing pagbisita ng pinuno ng Brunei dahil siya ang kauna-unahang ASEAN leader na gumawa ng state visit sa Pilipinas sa ilalim ng bagong administrasyon.
Binanggit rin ng pangulo na ang pagbisita ni Bolkiah ay hudyat ng patuloy na magandang bilateral relation sa pagitan ng dalawang bansa.
Bago ang pagpunta sa Malacañang ay nag-alay muna ng bulaklak sa monumento ni Gat. Jose Rizal sa Luneta ang nasabing pinuno ng Brunei.
Bukod sa kanyang state visit ay dadalo rin si Bolkiah sa ASEAN Summit na kasalukuyang ginaganap sa bansa.
Mamayang gabi ay isang state dinner ang inihanda ng Malacañang para kay Bolkiah na dadaluhan ng kanyang buong delagasyon at mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.