Ex-Palawan mayor Edward Hagedorn, bigong makadalo sa arraignment ukol sa kasong may kinalaman sa kanyang SALN

By Mariel Cruz April 27, 2017 - 11:58 AM

HagedornHindi nakadalo si dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn sa nakatakda nitong arraignment kaugnay sa kinakaharap na mga kaso sa umano’y bigong pag-disclose ng ilan sa ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Dumating si Hagedorn sa Manila mula Palawan noong nakaraang Martes, para dumalo sa naturang arraignment.

Pero ayon sa kanyang abogado, nadulas si Hagedorn at ngayon ay hindi pa nito kayang maglakad.

Kasalukuyan aniyang isinasailalim ang dating alkalde sa pain treatment.

Ipinag-utos ni Associate Justice Rafael Lagos, na siyang presiding judge sa naturang arraignment, ang pagsusumite ng medical certificate ng kampo ni Hagedorn.

Dahil dito, itinakda ang naturang arraignment sa June 6.

Samantala, binigyan ng korte ng sampung araw ang mga prosecutor para ihain ang kanilang komento sa urgent omnibus motion ni Hagedorn.

Nahaharap ngayon si Hagedorn sa tig-siyam na bilang ng paglabag sa Section 7 ng Republic Act 3019, Section 8 nf RA 6713, at perjury.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.