Simula ngayong araw na ito ay maaari nang ma-claim sa mga district offices ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila ang mga nag-apply ng plastic driver’s license.
Ayon kay Atty Clarence Guinto, LTO-NCR Director, ito ay dahil nakapag-imprenta na ang ahensiya ng mga kailangang plastic driver’s license ng mga nag apply noong nagdaang taon.
Hindi agad aniya naibigay ng LTO ang plastic driver’s license ng mga driver na nag-apply ng non-professional at professional licenses dahil nagkaroon ng bagong ka-kontrata ang LTO sa paggawa nito.
Magugunitang noong nagdaang administrasyon ay naipahinto ng Commission on Audit ang pag iisyu ng LTO sa driver’s license dahil sa tapos na ang kontrata ng ahensiya sa kumpanyang dating humahawak nito.
Gayunman, nilinaw ni Guinto na ang driver’s license na iniisyu ay para sa 3 years na extension ng lisensiya at hindi naunang pahayag ng LTO na 5 years extension.