AFP at PNP, naka full alert pa rin sa Central Visayas

bohol-2-620x384Nananatiling nakataas ang full alert status ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Central Visayas.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa hinihinalang Abu Sayyaf member na si Renoor Lou Dongon at umano’y kasintahan na si Supt. Maria Cristina Nobleza.

Sa isang joint statement, sinabi ng PNP Central Visayas at AFP Central Command na titiyakin nila ang kaligtasan ng mga residente sa rehiyon, at maging ang mga turista na bumibisita ngayong Summer season.

Anila, mas pinalakas nila ang kanilang pwersa sa rehiyon para mapigilan ang pag atake ng lawless armed group.

Kasabay nito, pinayuhan ng AFP at PNP ang publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung mayroong presensya ng Abu Sayyaf Group sa kani-kanilang lugar.

Dapat din anila na maging alerto at mapagmatiyag ang publiko laban sa bandidong grupo.

Noong nakaraang Sabado, naaresto sina Nobleza at Dongon sa pagtatangkang takasan ang isang checkpoint sa Barangay Bacani, sa Clarin, Bohol.

Read more...