Pagpapasabog sa isang Saudi oil terminal gamit ang ‘boat bomb’ napigilan
Napigilan ng Saudi Coast Guard sa Saudi Arabia ang tangkang pagpapasabog sa isang oil terminal sa kaharian makaraang paputukan ng mga ito at maharang ang isang bangka na puno ng pampasabog o ‘boat bomb’.
Namataan ang naturang bangka na puno ng pampasabog na lumayag mula sa isang maliit na isla sa baybayin ng Yemen.
Napansin ng Saudi Coast Guard na walang crew ang naturang barko at papalapit sa oil distribution terminal ng Saudi oil giant na Aramco sa southern Jazan.
Dahil dito, agad na pinaputukan ng coast guard ang makina ng bangka upang mapahinto.
Nang siyasatin, ikinagulat ng mga ito nang mapag-alamang puno ng high-explosives ang naturang sasakyang pandagat.
Hinihinala na mga rebeldeng Houthi mula sa Yemen ang pasimuno ng tangkang pagpapasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.