Developer ng Philippine Arena ng INC, nahaharap sa kaso
Nanganganib na masampahan ng kasong smuggling at tax evasion ang developer ng Philipine Arena sa Malolos, Bulaca na pag-aari ng Iglesia ni Cristo.
Ayon sa Bureau of Customs, kanilang hinahabol ngayon ang New San Jose Builders, Inc., matapos itong mabigo sa pagbabayad ng buwis sa mga construction materials na ginamit sa pagpapatayo ng higanteng gusali.
Ipinaliwanag ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na nabigo ang New San Jose Builders Inc., na magbayad ng tinatayang isang bilyong pisong halaga ng buwis dahil sa pag-import ng mga construction materials na ginamit sa Philipipine Arena.
Kahit aniya tax free ang importasyon ng naturang kumpanya ng materyales sa ilalim ng Republic Act No. 9593, o Tourism Act of 2009, hindi naman aniya inaprubahan ang importasyon ng Department of Finance.
Bagama’t makailang ulit na nilang pinadalhan ng liham ang naturang kumpanya ay bigo silang makatanggap ng sagot mula sa mga ito hinggil sa usapin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.