Maria Sharapova, balik na uli sa tennis

By Jay Dones April 27, 2017 - 04:16 AM

 

sharapovaBalik nang muli sa paglalaro ng professional tennis ang Russian superstar na si Maria Sharapova matapos ang kanyang 15-buwang suspensyon dahil sa drugs ban.

Sa kanyang unang laban matapos ang ‘doping ban’, nakaharap ni Sharapova ang Italian player na si Roberta Vinci sa round 32 ng Porsche Grand Prix sa Stuttgart, Germany.

Dahil hindi pa tapos ang kanyang ban, sa isang maliit na tennis club sa labas Stuttgart nag-practice ang kontrobersyal na manlalaro at pinapasok lamang sa venue ng laban pagsapit ng alas-dose ng hatinggabi.

Ang 30-anyos na si Sharapova ay unang sumikat sa larangan ng tennis noong siya ay teen-ager makaraang makapasok sa Wimbledon.

Nanalo na ito ng limang Grand Slam Title.

Gayunman, noong nakaraang taon, nabalot sa kontrobersiya ang career ng Russian tennis superstar makaraang patawan ng suspension sa paglalaro ng professional tennis matapos bumagsak sa drug test sa kasagsagan ng 2016 Australian Open.

Lumitaw sa kanyang drug test na gumagamit ito ng gamot na ‘meldonium’ na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.