Dumating na sa bansa si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei upang makilahok sa Association of Southeast Asian Nation summit.
Si Sultan Bolkiah ang unang lider ng isang bansa na dumating sa Pilipinas na dadalo sa leaders meeting sa Sabado.
Dakong alas 6:45 ng gabi, lumapag ang eroplano ni Sultan Bolkiah sa Balagbag area sa Villamor airbase.
Personal na sinalubong ang lider nina Finance Secretary Carlos Dominguez, Philippine Ambassador to Brunei Meynardo Montealegre, at mga lokal na opisyal ng Pasay City.
Ngayong araw nakatakdang magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sultan Bolkiah para sa isang bilateral meeting bago ang summit sa Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.