Ihahayag ng United Nationalist Alliance o UNA sa darating na Setyembre ang magiging running mate ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 Presidential Elections.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni UNA President at Navotas Rep. Toby Tiangco na isasapubliko ng kanilang partido sa katapusan ng susunod na buwan ang isasabak nilang Vice Presidential bet sa halalan.
Ayon kay Tiangco, napili na nila ang VP ni Binay, makalipas ang ilang buwang screening ng search committee ng UNA.
Gayunman, tumanggi si Tiangco na pangalanan ang magiging katambal ni Binay, at sa halip ay hintayin na lamang daw ang kanilang pormal na anunsyo.
Batay sa mga ulat, posibleng si Senador Bongbong Marcos ang maka-tandem si Binay sa eleksyon.
Samantala, sinabi ni Tiangco na ipinauubaya niya sa mga politiko at personalidad na kusang i-anunsyo ang kanilang kandidatura sa pagka-Senador sa ilalim ng UNA slate. / Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.