Maintenance contractor ng MRT pumalag sa paninisi ng DOTr

 

Pumalag ang maintenance contractor ng MRT3 na Busan Universal Rail Inc. o BURI sa paninisi sa kanila ng Department of Transportation sa serye nang aberya ng mga tren.

Iginiit ni Atty. Charles Perfecto Mercado, legal counsel at tagapagsalita ng BURI na nagampanan nila ang kanilang obligasyon sa kontrata at kailanman ay hindi nagpabaya sa pagbibigay ng kanilang serbisyo.

Sa katunayan sinabi ni Mercado, ang aberya sa MRT ay nangyayari na bago pa man sila pumasok sa kontrata sa DOTr.

Gayunman, aminado siya na may paunti-unting palya sa operasyon ng MRT na sila ang nananagot.

May kaakibat aniya itong penalty sa DOTr na 75,000 pesos kada minuto.

Dagdag pa ni Mercado, ang kasalukuyang kondisyon ng “track system” ng MRT ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagtirik ng tren, na hindi maman sakop ng kontrata na kanilang pinasok.

Samantala, ayon naman kay Rep. Jericho Nograles na siyang nagsiwalat ng umanoy cover-up sa darailment ng MRT isusulong niya ang imbestigasyon nito sa kamara.

Read more...