Supt. Rafael Dumlao inaresto sa loob mismo ng Camp Crame

By Ruel Perez April 26, 2017 - 08:04 PM

Rafael Dumlao
Inquirer file photo

Inaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) si Supt Rafael Dumlao na isa sa mga pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon kay PNP AKG Director S/Supt.  Glen Dumlao, isinilbi ang warrant of arrest laban kay Supt Rafael Dumlao kagabi sa Kampo Crame habang itoy nasa ilalim ng restrictive custody.

Inilabas ng korte ang warrant of arrest laban kay Dumlao makaraang isama ng DOJ ang pangalan nito sa kanilang kinasuhan matapos silang magsagawa ng re-investigation sa kaso ng pagpatay kay Jee Ick Joo

Mga kasong kidnapping at serious illegal detention ang kinahaharap na kaso ni Dumlao.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa mga nabanggit na kaso.

Kanina ay nagpunta sa Pampanga ang PNP AKG upang iprisinta si Dumlao sa Angeles RTC Branch 38 para sa tinatawag na return of warrant.

TAGS: dumalo, Jee Ick Joo, Pampanga, pnp akg, dumalo, Jee Ick Joo, Pampanga, pnp akg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.