Sinimulan na ng PNP Internal Affairs Service ang proseso ng imbestigasyon laban kay Supt. Maria Cristina Nobleza.
Si Nobleza ang Deputy Director ng PNP Crime Laboratory sa Davao region na nahuli kasama ang isang miyembro ng Abu Sayyaf sa lalawigan ng Bohol.
Ayon kay PNP IAS Chief Atty. Alfegar Triambulo, nag-umpisa na sila nang imbestigasyon laban kay Nobleza at nakatakda itong kasuhan ng conduct unbecoming of an official dahil sa pagkakasangkot sa bandidong grupo.
Maliban dito, sasampahan din si Nobleza ng grave misconduct dahil naman sa iba’t-ibang paglabag tulad ng pagkakaroon ng baril na walang kaukulang papeles at pag- alis sa kanyang pwesto sa kanyang tanggapan sa Davao ng walang permiso.
Paliwanag ni Triambulo, sapat na ang mga nasabing kaso para masibak sa serbisyo si Nobleza.
Kasalukuyang nakadetine sa Kampo Crame sina Nobleza at Reenor Dongon matapos maaresto sa Clarin, Bohol dahil sa umanoy attempt na irescue ang mga bandidong tinutugis ng PNP at militar.