Maintenance provider sinisi ng DOTr sa mga aberya sa MRT 3

By Alvin Barcelona April 26, 2017 - 03:24 PM

MRT
Inquirer file photo

Pananagutin ng Department of Transportation (DOTr) ang Busan Universal Rail Incorporated sa mga aberya na nararanasan ngayon ng MRT3.

Kasunod ito ng paghuhugas kamay ng Busan- maintenance provider ng MRT3 sa magkasunod na technical problem ng mga tren nito kahit kagagaling lang sa apat na araw maintenance work.

Sinabi ni DOTr Undersecretary Caesar Chavez, malaki ang pananagutan ng Busan sa kasalukuyang estado ng mga tren ng MRT3.

Bagamam aminado si Chavez na noong pa ay hindi na maganda ang estado ng MRT3 gayunman malinaw na hindi rin ito naging maayos sa ilalim ng pangangalaga ng Busan.

Iginiit ni Chavez na hindi sila kuntento sa trabaho ng Busan dahil mula noong Enero 2016 hanggang ngayon ay pitong porsyento pa lamang ng 43 bagon ng MRT3 nakukumpleto ang general overhaul.

Hirit pa ng opisyal, kahit aniya noong 2016 lang nagsimula ang kontrata nito sa MRT3 at noong 2012 pa lang ay bahagi na ang Busan ng mga grupo na kinumisyon na  magsagawa ng maintenance service sa mga tren nito.

Una nang inutusan ng DOTr ang Busan na ipaliwanag kung bakit hindi nito dapat na kanselahin ang maintenance contract nito sa MRT3.

TAGS: busan rail, Cesar Chavez, dotr, mrt3, busan rail, Cesar Chavez, dotr, mrt3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.