Ayon Presidential spokesman Ernesto Abella, bahala na si Solicitor General Jose Calida dito.
Gayunman, sinabi ni Calida na hindi pa nakararating sa kanilang tanggapan ang kopya ng naturang reklamo.
Ayon pa kay Calida, kapag may nakita nang batayan ang ICC na isulong ang kaso laban sa pangulo ay saka lamang magtatalaga ang kanilang hanay ng mga hukom na hahawak sa reklamo.
Sinabi pa ng Solgen na kapag umusad ang kaso, dadaan pa sa Department of Foreign Affairs ang proseso para masagot ang reklamo.
Kinasuhan si Pangulong Duterte ni Sabio ng crime against humanity dahil sa nauwi na umano sa extra judicial killings ang pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Pero para kay Abella, walang basehan at black propaganda lamang ang kasong isinampa ni Sabio.