Depensa ng Palasyo sa kasong isinampa laban kay Duterte sa ICC, kasado na

By Chona Yu April 26, 2017 - 12:50 PM

duterte 102516_JARL5Kasado na ang depensa ng Malakanyang sa kasong crime against humanity na isinampa ng abogado ni Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon Presidential spokesman Ernesto Abella, bahala na si Solicitor General Jose Calida dito.

Gayunman, sinabi ni Calida na hindi pa nakararating sa kanilang tanggapan ang kopya ng naturang reklamo.

Ayon pa kay Calida, kapag may nakita nang batayan ang ICC na isulong ang kaso laban sa pangulo ay saka lamang magtatalaga ang kanilang hanay ng mga hukom na hahawak sa reklamo.

Sinabi pa ng Solgen na kapag umusad ang kaso, dadaan pa sa Department of Foreign Affairs ang proseso para masagot ang reklamo.

Kinasuhan si Pangulong Duterte ni Sabio ng crime against humanity dahil sa nauwi na umano sa extra judicial killings ang pinaigting na kampanya kontra sa ilegal na droga.

Pero para kay Abella, walang basehan at black propaganda lamang ang kasong isinampa ni Sabio.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.