Pumasok na sa Philippine area of responsibility at isa ng tropical storm ang tropical depression na nasa silangan ng Southern Luzon.
Batay sa PAGASA Severe Weather Bulletin number 1, bago magtanghali, huling namataan ang bagyong Dante sa 1,170 kilometer East ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at bugso na 80 kilometers per hour.
Northwest ang tinatahak na direksyon ng bagyong Dante sa bilis na 11 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, nasa katamtaman hanggang malakas na ulan ang tinataya sa 300 kilometers diameter ng bagyo.
Bukas na umaga ay inaasahang nasa silangan ng Casiguran, Aurora ang bagyo at lalabas ito ng PAR sa Biyernes ng umaga.
Wala namang itinaas na anumang tropical cyclone warning signal ang PAGASA.