Mas nakararaming Filipino, pabor sa pagbubuhay sa parusang kamatayan
Mas nakararaming Pilipino ang pabor sa pagbubuhay sa parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimeng may kaugnayan sa iligal na droga, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa 1,200 respondents, 61% ang sang-ayon sa death penalty bill. Binubuo ito ng 36% ‘strongly approve’ at 24% ‘somewhat approve.’
Samantala, 23% naman ang hindi sang-ayon, na binubuo ng 16% ‘strongly disapprove’ at 7% ‘somewhat disapprove.’
Labing-anim na porsyento naman ang hindi pa nakakapagpasya ukol sa usapin ng death penalty bill.
Napag-alaman din sa survey na 48% ng mga Pilipino ang may sapat na kaalaman ukol sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan, habang 52% naman ang may kaunti o halos walang alam ukol dito.
Isinagawa ng SWS ang survey na ito mula March 26 hanggang 28 sa pamamagitan ng harapang pakikipagpanayam sa tig-300 respondents sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.