Kabuuang bilang ng nasawi sa bus crash sa Nueva Ecija, 33 lang, at hindi 34

By Mariel Cruz April 26, 2017 - 10:47 AM

Carranglan busNilinaw ng mga otoridad na ang kabuuang bilang mga namatay sa bus na nahulog sa bangin sa Carranglan, Nueva Ecija ay tatlumpu’t tatlo lamang.

Una nang napaulat na pumalo sa tatlumpu’t apat ang death toll sa naturang aksidente.

Ayon sa otoridad, nadoble ang bilang ng isa sa mga nasawi kung kaya tatlumpu’t apat ang unang inilabas na death toll.

Pero ang tamang bilang aniya, batay na rin sa body recount, ay tatlumpu’t tatlo.

Samantala, tatlo na lamang sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente ang hindi pa nakakatanggap ng cash assistance.

Noong nakaraang Sabado, halos lahat ng pamilya ng mga pasaherong nasawi at nasugatan sa bus crash at nakatanggap na ng financial assistance.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng hindi bababa sa dalawangdaan at dalawampung libong piso na cash assistance.

Naglaan ang bus company ng LeoMaric Trans na siyang may-ari ng naaksidenteng bus ng P200,000 sa bawat pamilya ng mga nasawi habang ang natitirang dalawampung libong piso ay nagmula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.