Pagpatay sa isang bata sa Thailand, ipinakita ng live sa Facebook

FACEBOOK
AP PHOTO

Ipinakita ng isang lalaking Thai gamit ang Facebook live ang ginawa niyang pagpatay sa anak ng kanyang girlfriend, bago niya patayin mismo ang kanyang sarili.

Ayon sa Thailand police, ipinagbigay alam sa kanila ang naturang video ng pagpatay ng mga kaibigan ng lalaki.

Agad aniya silang sumugod sa abandonadong hotel malapit sa international airport kung saan isinagawa ang pagpatay.

Sinabi ni Lt. Jullaus Suvannin, na unang sumugod sa crime scene, na patay na ang bata at lalaki nang pagdating niya sa naturang hotel.

Nakita ni Suvannin sa crime scene ang isang smartphone na nakadikit sa pader.

Kinilala ng pulisya ang lalaki na si Wuttisan Wongtalay, na kamakailan ay nakipag-away sa ina ng batang babae na napatay.

Hindi naman malinaw kung anak din ng lalaki ang naturang bata.

Kasunod nito, nanawagan ang governor ng Phuket sa mga Thais na wag nang i-share sa social meia ang karumal-dumal na video ng pagpatay na tumatagal ng apat na minuto.

Read more...