Madonna, nagalit sa planong pagtatampok sa kanya sa isang biopic

By Mariel Cruz April 26, 2017 - 09:35 AM

MADONNA ANGER
INQUIRER FILE PHOTO

Hindi napigilang magalit ng music legend na si Madonna sa napaulat na plano ng isang Hollywood studio na itampok siya sa isang biopic.

Sa kanyang Instagram, sinabi ng pop icon na walang nakakaalam sa kanyang mga nalalaman at sa kanyang mga nakita o napagdaanan.

Kung sino man aniya ang susubok na alamin ang kanyang mga pinagdaanan ay nagmamarunong lamang.

Pinamagatang “Blond Ambition”, nilikha ang naturang screenplay ng baguhang writer na si Elyse Hollander.

Co-producer sa naturang biopic si Michael De Luca ng pelikulang “Fifty Shades of Grey” at Facebook drama na “The Social Network”.

Magiging sentro sa naturang biopic ang naging buhay ni Madonna sa New York kung saan nagsisimula pa lang siya sa pagpasok sa music industry noong taong 1980.

Si Madonna ay mula sa Michigan, at taong 1978 nang lumipat siya sa New York kung saan nagsimula siyang sumikat sa larangan ng pagkanta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.