Robredo, may pambayad na para sa counter protest vs Bongbong Marcos

Robredo-Marcos1Handang magbayad si Vice Pres. Leni Robredo ng walong milyong piso para sa kanyang counter protest laban kay dating Sen. Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sagot ng kanyang abogado na si Romulo Macalintal sa desisyon ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal.

Sa desisyon ng PET, inatasan nito si Robredo na magdeposit ng walong milyong piso bilang paunang bayad sa labing limang milyong piso na babayaran para sa kanyang kontra protesta laban sa dating senador.

Ayon kay Macalintal, naghihintay na lamang sila ng kopya ng desisyon ng PET at agad silang susunod dito sakaling dumating na sa kanilang kamay ang pasya ng mga mahistrado.

Una ng tumanggi ang kampo ni Robredo na magbayad sa kanyang counter protest dahil sa paniniwalang dapat ang kampo lamang ni Marcos ang magbayad nito.

Ang kampo naman ni Marcos, nagbigay na ng paunang 33 million pesos para sa kanyang election protest laban kay Robredo.

Read more...