4 na mangingisdang sakay ng tumaob na bangka, nailigtas sa Guimaras

By Erwin Aguilon April 26, 2017 - 08:52 AM

MANGINGISDA GUIMARAS
PHOTO FROM PCG

Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang apat na mangingisda na lulan ng tumaob na bangka sa karagatang sakop ng Barangay Buyo, Jordan, sa Guimaras.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, nakatanggap sila ng tawag mula sa kapitan ng isang dumaraang barko matapos mamataan ang tumaob na MBCA Jeanie Joven.

Kaagad nagpadala ng tauhan ang coast guard at nailigtas ang mga mangingisdang sina Melvic Pompirada, Joe Russel Sumagaysay, Melfred Pompirada at Emilio Pompirada.

MANGINGISDA GUIMARAS 2
PHOTO FROM PCG

Nabatid na galing sa Brgy. Calumpang, sa Iloilo City ang mga ito at nangingisda sa bahagi ng Bondulan Point l nang tumagilid sa kaliwa ang bangka hanggang sa tumaob at tangayin ang mga ito ng alon patungong Guimaras.

Kaagad naman itinurn over sa Iloilo Emergency Responder ang mga nailigtas na mangingisda matapos mabigyan ng pangunang lunas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.