Bansag na ‘landgrabber’ at magnanakaw, pinalagan ng Kadamay

By Jay Dones April 26, 2017 - 04:19 AM

 

Inquirer.net/contributes photo

Mariing pumapalag ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa bansag na sila ay mga ‘magnanakaw’ at ‘landgrabber.’

Ito ang himutok ng ilang mga miyembro ng Kadamay na umokupa sa mga bakanteng bahay sa Pandi Heights nang magtungo doon ang mga mambabatas kahapon.

Makailang ulit na silang nakarinig mula sa ilang mga residente ng Pandi na mistula silang nilalait sa tuwing malalaman na kasapi sila ng Kadamay.

Giit ng grupo, tanging pabahay lamang ang matagal na nilang hiling.

Marami na rin sila anilang pinagdaanang hirap bago makuha ang bahay na kanilang hiling.

Bago anila sila nakarating sa Pandi, ilang oras rin nilang nilakad mula sa Litex road, tungong tanggapan ng National Housing Authority sa Quezon City.

Matagal na rin sila aniyang hindi pinapansin ng gobyerno sa kanilang mga problema kaya’t nagpasya na silang pasukin ag mga nakatiwangwang na pabahay ng pamahalaan.

Kahapon, nagtungo sa Pandi Heights sa Bulacan ang mga miyembro ng committee on urban planning, housing and resettlement ng Senado at Kongreso upang inspeksyunin ang mga pabahay na inokupa ng mga miyembro ng Kadamay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.