Bagyo, inaasahang papasok sa PAR ngayong araw

By Jay Dones April 26, 2017 - 04:18 AM

 

dante weather2 Ngayong araw inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong namataan ng PAGASA sa silangang bahagi ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,285 kilometro ang layo sa silangang bahagi ng Southern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kph at pagbugso na nasa 65 kph.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong west northwest sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Sa kabila ng pagpasok sa PAR ng bagyo, hindi naman inaasahang tatama sa lupa ang naturang bagyo na tatawaging ‘Dante’.

Samantala, makakaranas pa rin ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Bicol region, Hilagang Samar, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.