Nagpahayag ng kanyang pag-aalangan si Sen. Leila de Lima sa pahayag ng mga kapartido niya sa Kamara na hindi pagsuporta sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay De Lima seryoso ang mga pinagbasehan ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa kanyang mga reklamo laban kay Duterte kaya’t tama lang na maiprisinta ang mga ebidensiya at marinig ang testimoniya ng mga testigo.
Paalala pa ng senadora na utang ng mga halal na mambabatas sa mamamayan na mabigyan pagkakataon na makibahagi sa isang proseso na alinsunod naman sa Saligang Batas.
Nauna na ring binatikos ng minorya sa Kamara ang Liberal Party kaugnay sa umano’y mahina nilang disposisyon sa impeachment complaint laban sa pangulo.
Sa isang hiwalay na pahayag ay sinabi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na kinunsulta ang kanilang partido hingil sa isyu at mayorya sa kanila ang nagdesisyon na huwag suportahan ang reklamo laban kay Duterte.
Hindi rin umano nila susuportahan kung sakaling magmaghain rin ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo./