Robredo inutusan ng PET na magbayad ng protest fee

By Erwin Aguilon April 25, 2017 - 04:50 PM

Robredo-Marcos1Binigyan ng PET ng limang araw ang kampo ng vice president para magbayad ng paunang cash deposit.

Ang pagbabayad ng ikalawang cash deposit ng kampo ni Robredo ay nauna nang itinakda ng PET hanggang July 14.

Ang pangalawang installment ay nagkakahalaga ng P7, 439,000.

Una nang nagbayad ang kampo ni Marcos ng paunang cash deposit nuong April 17 sa halagang mahigit P36 Million para umusad ang inihain niyang protesta.

Gagamitin ang pera sa pagproseso ng mga ballot box at mga election document mula sa mga iba’t ibang mga polling precinct na parehong kinukuwestiyon ng kampo nina Marcos at Robredo.

Kabuuang P15M ang kailangang ibayad ni Robredo para sa kanyang counter protest sa natalong si dating Senador Bongbong Marcos.

TAGS: comelec, Marcos, pet, Robredo, Supreme Court, comelec, Marcos, pet, Robredo, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.