B.I: Lascañas hindi pwedeng pilitin na umuwi sa Pilipinas

By Erwin Aguilon April 25, 2017 - 03:41 PM

Lascanas01
Inquirer file photo

Aminado ang Bureau of Immigration na hindi nila maaring piliting bumalik ng bansa si Ret. SPO3 Arturo Lascanas.

Ayon kay Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang ito ay sapagkat wala namang kasong kinakaharap si Lascañas bukod pa sa wala ring Hold Departure Order (HDO) at Immigration Lookout Bulletin order laban dito.

Bagamat dapat sanay ay April 22 ang return flight ni Lascanas mula sa naging biyahe nito sa Singapore, may mga panahon anyang pinapayagan ang extension ng pananatili ng isang dayuhan sa isang bansa.

Sakali man anyang lumagpas pa sa 30-araw na panahon ang pananatili ni Lascanas sa Singapore at hindi ito makakuha ng extension ay doon palang posibleng magkaroon ng paglabag sa Immigration laws ng Singapore si Lascañas.

Sinabi pa ni Mangrobang na hindi pa rin sila maaring dumulog sa Interpol upang alamin ang kinalalagyan ni Lascañas.

Si Lascañas ay umalis ng bansa noong April 8 patungong Singapore at nakatakda sanang bumalik noong Sabado subalit hindi ito umuwi ng Pilipinas.

TAGS: dds, duterte, lascañas, dds, duterte, lascañas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.