PNP official na may karelasyong Abu Sayyaf member sinibak na sa pwesto

By Ruel Perez April 25, 2017 - 03:31 PM

Nobleza1
Inquirer file photo

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Director C/Supt. Aurelio Trampe na tinanggal na sa pwesto si Supt. Maria Cristina Nobleza, ang opisyal ng PNP na konektado umano sa ASG

Ayon kay Trampe, si Nobleza ay inalis bilang Deputy Director ng PNP Crime Laboratory sa ilalim ng Davao Regional Police Office at pansamantala siyang mananatili sa National Headquarters ng PNP sa Camp Crame.

Sinimulan na rin ang imbestigasyon sa kanyang kaugnayan sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Samantala, nauna nang tiniyak ni Chief PNP Ronald “Bato” dela Rosa na masisibak sa serbisyo si Nobleza.

Si Nobleza ay sinasabing kasintahan ng naturang police official ang isang Abu Sayyaf na kasama niyang nahuli sa Clarin, Bohol na si Reenor Lou Dungon.

Kahapon, nasampahan na ito ng kasong kriminal dahil umano sa pagkakanlong ng mga terorista at iligal na pagdadala ng baril.

TAGS: Abu Sayyaf, Bohol, dungon, nobleza, PNP, Abu Sayyaf, Bohol, dungon, nobleza, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.