Konstruksyon ng Torre de Manila, ipinatutuloy ng Korte Suprema

torre-de-manilaIpinag-utos ngayon ng Supreme Court ang pagpapatyloy ng tinaguriang pambansang photo bomber na Torre de Manila.

Sa botong 9-6 sa isinagawang enbanc session sa Baguio City, ibinasura nito ang petisyon ng Knights of Rizal na gibain ang 49 na palapag na gusali.

Dahil sa nasabing pasya binawi na rin ng korte ang temporary restraining order na inilabas nito noong taong 2015.

Base sa petisyon ng Knights of Rizal sinisira ang sightline ng Rizal Monument sa Luneta Park na itinuturing na mahalagang landmark o istruktura sa bansa.

Dahil sa sa desisyon ng Korte Supreme, wala nang hadlang para sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Torre De Manila.

Ang petisyon ng Knights of Rizal ay inihain bilang pagsasaalang-alang sa Sections 14, 15 at 16 ng Article 14 ng Konstitusyon na tumutukoy sa responsibilidad ng estado na protektahan ang mga historical at cultural heritage sa bansa.

Respondent sa kaso ang DMCI Homes na developer ng Torre De Manila, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, National Commission for Culture and the Arts, National Museum at National Historical Commission of the Philippines.

Read more...