MMDA, naglabas ng traffic rerouting plan para sa ASEAN Summit

ASEAN 2017 MMDAInilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang traffic rerouting plan para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo.

Ayon sa MMDA, ipatutupad nila ng “stop and go” scheme habang isinasagawa ang ASEAN Summit.

Inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Metro Manila na malapit sa summit venues sa Pasay, Manila at Makati.

Sa isang tweet, sinabi ng MMDA na magpapatupad ng 10-minute lockdown habang pumapasok at lumalabas sa Skyway ang mga sasakyan ng mga dadalo sa summit.

Lahat ng mga sasakyan na lumalabas sa Paseo de Roxas Street papuntang Arnaiz Avenue ay dapat kumanan sa Benavidez Street at kanan din sa Trasierra Street at kaliwa naman sa Gamboa Street.

Mula Gamboa Street, kakanan sa Rufino Street papunta sa Don Chino Roces Avenue (Pasong Tamo) at Javier Street o pwedeng mag U-turn sa Amorsolo at Rufino streets at kanan naman sa Fernando Street.

Sakaling bumigat ang daloy ng trapiko sa Esperanza Street dahil sa lockdown, sinabi ng MMDA na maaaring dumaan ang mga sasakyan sa Paseo de Roxas Street at kanan sa Ayala Avenue papalabas ng EDSA.

Inilabas din ng MMDA ang alternate route para naman sa mga sasakyan na dadaan sa Roxas Boulevard sa kasagsagan ng ASEAN Summit, na magsisimula bukas April 26.

Read more...