Serena Williams, naging inspirasyon ang baby na ipinagbubuntis para makabalik sa World rankings

By Mariel Cruz April 25, 2017 - 09:55 AM

Serena-Williams-Wimbley-16_APMalaki ang pasasalamat ng American professional tennis player na Serena Williams sa kanyang baby na ipinagbubuntis.

Ayon kay Williams, ang kanyang sanggol ang naging inspirasyon niya para makabalik muli sa top ranking ng World Tennis Assocation.

Isang mensahe para sa kanyang anak ang ibinahagi ni Williams sa social media.

Nakasaad sa naturang mensahe na ang kanyang baby ang nagbibigay sa kanya ng lakas at nagturo ng tunay na kahulugan ng serenity at peace.

Hindi na aniya siya makapaghintay na makita ang kanyang anak at maisama ito sa kanyang mga laro.

Sinabi din ni Williams na napakasaya niya dahil sa kasabay ng pagbalik niya bilang number one sa mundo ng tennis, ay ang inaasahang pagdating ng kanyang anak.

Kamakailan ay inanunsiyo ni Williams na isang taon siyang magpapahinga sa kanyang tennis career dahil sa ipinagbubuntis.

Aabot sa 23 grand slam titles ang hawak ngayon ng 35-year-old na si Williams.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.