Bagyo namuo sa labas ng PAR

 

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namuong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Sa huling datos ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 1,460 kilometro sa silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na may bilis na 55 kph at kumikilos patungong west northwest sa bilis na 18 kph.

Sakaling pumasok na sa teritoryo ng Pilipinas, tatawagin na itong bagyong ‘Dante’.

Hindi naman inaasahan na tatama sa lupa ang naturang bagyo dahil sa isang high pressure area.

Dahil sa malayo pa ang bagyo, hindi naman inaasahang maapektuhan nito ang lagay ng panahon ngayong araw.

Ngayong araw, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na mararanasan sa Rehiyon ng Bikol, Hilagang Samar, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Silangan hanggang Hilagang-silangan ang iiral na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Read more...