Hacienda Luisita, pinasok ng mga magsasaka

By Jay Dones April 25, 2017 - 04:49 AM

 

Inquirer.net/contributed photo

Pinasok na rin ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Hacienda Luisita sa Tarlac upang angkinin ang nalalabi sa anim na libong ektaryang lupain sa naturang lugar.

Isinagawa ng mga magsasaka ang ‘Occupy Luisita’ kasabay ng ikalimang anibersaryo ng desisyon ng Korte Suprema na nag-uutos sa Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi na sa mga magsasaka ang nasa 4,500 ektaryang lupain na sakop ng Hacienda Luisita na pag-aari ng mga Cojuangco.

Sa kabila ng presensya ng nasa 500 pulis at mga guwardiya, nagawang masira ng mga miyembro ng KMP ang konkretong pader at mapasok ang nasa 500 ektarya ng Hacienda Luisita na sakop ng Bgy. Balete.

Dahil sa insidente, naging matindi ang tensyon sa lugar bagamat wala namng naiulat na karahasang naitala.

Dakong hapon naman nang umalis ang mga magsasaka.

Gayunman, nangako ang grupo na babalik upang simulan ang ‘bungkalan’ o pagbubungkal ng bukirin upang mataniman.

Ayon kay KMP Chair Joseph Canlas, bahagi lamang ang ‘Occupy Luisita’ ng mas malawakang takeover sa mga lupaing sakahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mapakinabangan ng mga magsasaka.

Sinuportahan naman ng grupong Kadamay ang hakbang ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita.

Ang Kadamay ang grupong nanguna kamakailan sa pagpasok naman sa mga housing units sa bayan ng Pandi, Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.