Pulis na nangikil sa biktima ng sextortion, arestado

By Ruel Perez April 25, 2017 - 04:27 AM

 

handcuffs30915Inihahanda na ng PNP Counter Intelligence Task Force ang kasong isasampa laban sa isang pulis ng San Mateo, Rizal na nangikil sa kasintahan ng isang dating naaresto nito kapalit ng hindi pagpapakalat ng sex video.

Ayon kay Sr. Supt. Chiquito Malayo ng PNP CITF, sasampahan ng kasong extortion ng CITF si SPO1 Gomercido Digma ng San Mateo police.

Ayon sa reklamo, nangikil umano si Digma nang limang libong piso sa magkasintahan complainant para hindi nito ipakalat ang sex video ng dalawa.

Nakuha ito sa cellphone ng lalaki na nauna nang inaresto dahil sa kasong reckless imprudence.

Kahapon ng madaling araw, nagkasa ng entrapment operation ang CITF sa Marikina City kung saan nasakote si SPO1 Digma habang iniaabot ang 5 libong marked money.

Nang akmang tatanggapin na ang pera, dito na inaresto ang naturang pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.