Mga napapatay na miyembro ng Maute terror group, 36 na-AFP
Pumapalo na sa 36 na mga umanoy miembro ng Maute terror group ang namamatay sa ikatlong araw ng opensiba ng militar laban sa grupo sa Sitio Pagalungan, Brgy Gacap, Lanao del Sur
Ayon kay Philippine Army 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, nagsimula ang opensiba laban sa Maute terror group noong Biyernes sa itinuturing na pangunahing kampo ng mga bandido.
Kabilang umano sa mga napatay ay 2 banyagang mga indibidwal, isa dito ay Indonesian base sa pasaporte na narecover, pero isinasailalim pa ito sa validation ng military.
Ayon kay Herrerra, marami rin umanong narecover na mga war materials tulad ng IED at mga materyales sa paggawa nito kabilang ang mga granada.
Nagsasagawa pa ng clearing operations ang militar kung kaya di pa pinapayagan na makabalik ang mga residenteng lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.