Ang naturang kaso ay isinampa ni Atty. Jude Sabio na siya ring abogado ni Edgar Matobato.
Magugunitang si Matobato ang naunang humarap sa Senado na nagdiin kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga kaso ng pagpatay.
Nauna dito ay sinabi ni dating SPO2 Arthur Lascañas na nakahanda rin siyang tumestigo laban sa pangulo.
Sa kanilang 77-page complaints, sinabi ni Sabio na umabot na sa 9,000 ang mga napapatay dahil sa inilunsad na kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Tumangging magbigay ng komento si ICC Spokesman Fadi EL Aabdallah hingil sa nasabing kaso na isinampa laban sa pangulo.
Mula noong July 2002 ay umabot na sa kabuuang 12,000 ang mga reklamo at kasong isinampa sa ICC kung saan siyam lamang sa mga ito ang naisalang sa actual trial at anim naman ang na-convict.