China muling pumagitna sa gusot ng U.S at North Korea
Hinikayat ni Chinese President Xi Jinping ang North Korea at iba pang panig na huminahon, sa gitna ng pagsasanay na isinagawa ng Japan at ng United States (US) aircraft carrier sa Pacific Ocean.
Sinabi ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap kay US President Donald Trump, ilang araw bago dumating sa Korean Peninsula ang US aircraft carrier.
Ipinadala ni Trump ang USS Carl Vinson bilang babala sa gitna ng mga pangambang magsasagawa ng panibagong nuclear o missile test ang North Korea.
Umaasa naman ang China mananatiling mahinahon ang US at North Korea, at iba pang panig at iwasan ang anumang hakbang na makakapagpalala ng tensyon sa lugar.
Naniniwala naman si Chinese President Xi na ang natatanging paraan para ma-denuclearize ang Korean Peninsula ay ang tugunan ng bawat panig ang kani-kanilang tungkulin.
Nauna nang ipinahayag ng North Korea na handa itong palubugin ang papalapit na USS Carl Vinson bilang pagpapakita ng kakayahang militar ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.