LP nagpaliwanag sa hindi pagsuporta sa Duterte impeachment

By Isa Avedaño-Umali April 24, 2017 - 04:55 PM

Duterte Peru2Bumuwelta si Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa mga puna na inaani ngayon ng Liberal Party ukol sa nabuong consensus na huwag suportahan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, maging ang nakaumang na reklamo laban kay Vice Presidente Leni Robredo.

Giit ni Baguilat, ang desisyon ng labing lima mula sa tatlumpu’t apat na LP congressmen ay batay sa kanilang conviction o paninindigan at ito ay taliwas aniya sa alegasyon ni House Deputy Minority Leader at ABS Partylist Rep. Eugene Michael De Vera na playing safe ang partido at maagang pagpapakita ng pagsuko.

Binigyang-diin ni Baguilat na dumaan ito sa masusing diskusyon at debate ng mga miyembro ng LP.

Aminado naman si Baguilat na salungat siya sa posisyon na huwag katigan ang impeachment complaint laban kay Duterte pero igagalang umano niya ito dahil dumaan ito sa tamang proseso ng kanilang partido.

Banat naman ni Baguilat sa minorya, nananahimik ito sa isyu ng impeachment na nagpapakita lamang na wala itong paninindigan at pinatunayan ang pagiging coopted minority na sunud-sunuran sa dikta ng administrasyon.

Matatandaang na inihain ni Magdalo Partylist  Rep. Gary Alejano sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Duterte habang nagbabanta naman ang mga tagasuporta ng presidente na maghain din ng reklamo kontra kay VP Leni.

TAGS: baguilat, duterte, impechment, Robredo, baguilat, duterte, impechment, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.