Mga oil companies may rollback bukas

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Makaraan ang magkakasunod na oil price hike sa nakalipas na mga linggo ay magpapatupad bukas April 25, ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa mga produktong petrolyo.

Kasunod ito ng pagbabagsak ng presyo ng krudo sa international market.

Nag-anunsyo na ang Flying V ng P0.20 kada litro na rollback sa gasolina, P0.30 kada litro sa diesel at P0.40 kada litro sa Kerosene umpisa 12:01 ng Martes.

Kaparehong price adjustment din ang ipapatupad ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, Seaoil, Metro, Jetti at Petron simula alas-sais ng umaga bukas.

Inaasahang mag-aanunsyo din ng kani kanilang rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Read more...