Makaraan ang magkakasunod na oil price hike sa nakalipas na mga linggo ay magpapatupad bukas April 25, ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa mga produktong petrolyo.
Kasunod ito ng pagbabagsak ng presyo ng krudo sa international market.
Nag-anunsyo na ang Flying V ng P0.20 kada litro na rollback sa gasolina, P0.30 kada litro sa diesel at P0.40 kada litro sa Kerosene umpisa 12:01 ng Martes.
Kaparehong price adjustment din ang ipapatupad ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum, Seaoil, Metro, Jetti at Petron simula alas-sais ng umaga bukas.
Inaasahang mag-aanunsyo din ng kani kanilang rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.