Dela Rosa: PNP hindi napasok ng Abu Sayyaf

By Ruel Perez April 24, 2017 - 03:57 PM

Dela Rosa Crame1Mariing itinatanggi ni Philippine National Police Chief Ronald Bato dela Rosa na napasok na ng bandidong Abu Sayyaf ang hanay ng PNP.

Itoy sa harap ng ulat na nobyo ng opisyal ng PNP na si Supt. Maria Christina Nobleza ang isang miyembro ng ASG na si Reenor Lou Dungon na kasamang niyang naaresto noong Sabado sa Clarin, Bohol.

Si Nobleza ang deputy chief ng PNP Crime Laboratory sa Davao region.

Paliwanag ni Dela Rosa, sa ngayon hindi naman maituturing na miyembro ng ASG  si Supt. Nobleza kahit pa may direkta na itong ugnayan sa mga bandido.

Pero giit ng PNP Chief, posibleng nagamit ng mga bandido ang mga koneksyon ng nasabing opisyal sa pulisya.

Ayon pa kay Dela Rosa, hindi na bago ang ganitong sitwasyon na karelasyon o kamag anak ng isang pulis o sundalo ang kanilang kalaban.

Sina Nobleza ay inaresto ng mga pulis nang sila’y hindi huminto sa inilatag na checkpoint para arestuhin ang mga nalalabi pang ASG members sa lalawigan ng Bohol.

Itinapon rin umano ni Nobleza ang kanyang cellphone pero ito ay narekober rin ng mga pulis nang sila’y arestuhin.

Sa loob ng kanilang sinasakyan na pick-up truck ay nakakuha ang mga otoridad ng ilang mga gamot, maraming mga damit at driving gear.

Posible ayon sa paunang ulat ng PNP na nagpapa-rescue kina Nobleza ang mga miyembro ng bandido na tinutugis ng mga otoridad.

TAGS: Bohol, Clarin, delarosa, nobleza, PNP chief, Bohol, Clarin, delarosa, nobleza, PNP chief

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.