Mariing kinondena ng Malacañang ang pamumugot ng Abu Sayyaf Group kay SSgt.Anni Siriji ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang ginagawa ng mga bandido ay wala nang puwang sa mga sibilisadong lipunan.
Kasabay nito ay tiniyak sa pamilya ni Siraji na hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi napapanagot ang pamumugot sa sundalo.
Nauna ng inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang otoridad na huwag magpahuli ng buhay sa Abu Sayyaf at magreserba ng isang bala para sa sarili.
Kamakailan rin ay inutos ng pangulo sa militar na huwag hulihing buhay ang sinumang miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol, Lanao del Sur at sa ilang lugar na sentro ngayon ng operasyon ng otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.