700 magsasaka, ookupahan ang bahagi ng Hacienda Luisita

By Rohanisa Abbas April 24, 2017 - 01:56 PM

HACIENDA LUISITA
INQUIRER FILE PHOTO

Nagtipon-tipon ang tinatayang 700 myembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa bahagi ng Hacienda Luisita na sakop ng Barangay Balete sa Tarlac para okupahan at sakahan ang 900 ektaryang lupain nito.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Edison Diaz, nauna nang nagpalipas ng gabi sa lugar ang 400 magsasaka.

Inanunsyo ng KMP ang hakbang nito sa parehong panahon kung kailan inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nito noong 2012 kung saan ipinag-utos ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng 4,500 ektarya nito sa 6,200 na magsasaka, partikular na sa mga manggagawa ng tubohan ng pamilya Cojuangco.

Tumugon naman ang DAR sa naturang desisyon.

Sa ngayon, target ng KMP na okupahan ang bahagi na kontrolado ng Rizal Commercial Banking Corporation. Nagtalaga ng mga gwardya ang RCBC sa mga ari-ariang ibinenta ng pamilya Cojuangco.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.