Ayon sa PAGASA, namataan ang naturang tropical depression sa layong 1,540 kilometers east ng Mindanao.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 60 kph.
Pero sinabi ng PAGASA na sa ngayong ay wala pa itong magiging direktang epekto sa bansa.
Kasalukuyang gumagalaw ang tropical depression sa direksyong west-northwest papalapit sa PAR.
Inaasahang papasok ito sa loobb ng PAR ngayong gabi ng Lunes.
Sakaling pumasok sa bansa, papangalanan itong bagyong Dante.
Ayon naman sa US Joint Typhoon Warning Center, posible itong madevelop sa tropical cyclone bukas, araw ng Martes.