Pulis na may koneksyon umano sa ASG, pinakakasuhan ni Bato
Ipinag-utos ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na kasuhan ang babaeng opisyal ng pambansang pulisya na umano’y may kuneksyon sa bandidong Abu Sayyaf Group.
Maliban dito, inatasan na rin ni Bato ang Regional Director ng PNP Bohol na agad na mag request sa Korte para sa immediate transfer of detention para kina Superintendent Maria Christina Nobleza, Deputy Regional chief ng Crime Laboratory sa Region 11 at isang Reenor Lou Dungon.
Naaresto ang babaeng opisyal ng pulis at ang kanyang driver sa isang checkpoint sa Bohol na umano’y nag-attempt na iligtas ang nalalabi pang ASG member na kasamahan ng napatay na si Abu Rami.
Paliwanag ni Dela Rosa, delikado kung sa Bohol lamang ikukulong ang mga ito dahil sa maituturing ang dalawa bilang high risk detainee dahil sa koneksyon nito sa ASG.
Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na balik Islam pala si Nobleza na umano’y “romantically-involve” kay Dungon na kunektado naman sa ASG.
Nauna nang nagpatupad ng lock down ng tropa ng gobyerno ang ilang lugar sa Barangay Bacani sa gitna ng presensya ng mga nakaligtas na mga bandido sa pakikipagbakbakan sa militar at mga pulis kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.