Mga taga Region 11 na mananalo sa Palarong Pambansa, may cash incentives kay Duterte

LONG JUMP / APRIL 11, 2016 John Marvin Rafols (215), Central Visayas Athletic Association, wins gold at long jump during the Palarong Pambansa 2016 competition at Bicol University Sports Complex, Legazpi City in Albay province, April 11, 2016. At the background the Mayon Volcano. INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

May inilalaang cash incentives si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga atletang taga Region 11 na mananalo sa Palarong Pambansa na ginaganap ngayon sa Antique.

Ayon sa pangulo, tig-limampung libong piso ang kanyang ibibigay na reward.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos dumalo sa opening kahapon ng Palarong Pambansa sa Antique.

Gayunman, aminado ang pangulo na hahanapan pa niya ng pondo ang pagbibigay ng cash incentives.

Kasabay nito, pabiro pang sinabi ng pangulo na oras na matapos na ang Palarong Pambansa ay magkakatay siya ng dalawang daang baka para makasama sa isang salo salo ang mga atleta ng Region 11.

Ang Region 11 ay binubuo ng anim na probinsya na kinabibilangan ng Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, South Cotabato at Sarangani at mga siyudad na Davao, Digos, Panabo, Tagum, Samal, General Santos at Koronadal.

Read more...