Pinagbibitiw sa pwesto ni Bayanmuna PL Rep. Carlos Isagani Zarate ang lahat ng commissioners ng Energy Regulatory Commission o ERC sa gitna ng patuloy na alegasyon ng katiwalian sa ahensya.
Giit ni Zarate, senior member ng House Committee on Energy, masyado nang maraming nabulgar na anomalya sa ERC, kasunod ng pagpapakamatay ni dating ERC Director at Bids and Awards Committee Chairman Francisco Villa Jr. dahil sa umano’y pressures sa trabaho.
May mga kontrobersyal din umanong kasunduan ng ahensya, kung saan ang pinakamatindi ay ang midnight deal sa pitong power supply agreement sa affiliated power generation companies ng Manila Electric Company o Meralco.
Gayundin ang pagpapalawig sa deadline ng bidding sa power supply agreements ng distribution utilities.
Ayon kay Zarate, dahil sa ginagawa ng ERC ay natatali ang consumers sa monopolya ng meralco na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.
Kinalampag namang muli ni Zarate ag kaukulang otoridad na magkakaroon ng patas at masusing imbestigasyon sa mga iregularidad sa ahensya, lalo na kung kusang magbibitiw ang lahat ng commissioners nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.