2 arestado sa ikinasang checkpoint sa Taguig City

TAGUIG CHECKPOINT
Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang checkpoint sa Maharlika Village, Taguig City.

Kinilala ang mga suspect na sina PO1 Dandy Dee Clemente; isang AWOL na pulis na dating naka-assign sa Region 4-A, at isang Rudy Matangihan.

Sinubukang parahin ng mga pulis ang dalawa na sakay ng motorsiklo dahil walang mga suot na helmet.

Pero sa halip umanong tumigil ay dumirediretso na ang mga ito.

Nang kapkapan, tumambad sa mga pulis ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap naman ang dalawang suspect sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...