Full alert status, itinaas ng PNP para sa ASEAN Summit
Inilagay ni Philippine National Police chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa full-alert status ang buong pulisya epektibo ngayong araw para sa gaganaping ASEAN Summit sa darating na April 26 hanggang 29.
Sa flag-raising ceremony sa Camp Crame, ipinag-utos din ni Bato ang regular na pag audit sa mga tauhan upang matiyak na may sapat na tauhan na maaaring ideploy kung kinakailangan para sa ASEAN Summit.
Paliwanag ni Bato, kailangang maging handa sa anumang eventuality lalo at itinuturing na isang major event ang ASEAN Summit.
Samantala, kahapon isinagawa ang send-off ceremony ng aabot sa apatnapung libong na mga multi-agency contingent para sa summit kung saan higit dalawampu’t pitong libong PNP personnel na ang ipinakalat sa iba’t ibang task group at idineploy sa close-in VIP security para sa mga delegado, magbabantay sa route security at airport, sa tutuluyan ng delegado at pagdadausan ng event.
Una nang sinabi ni Dela Rosa sa send-off ceremony na sakaling may mangyaring hindi maganda sa kasagsagan ng ASEAN Summit, ipapakalbo niya ang lahat ng mga naka-deploy na pulis.
Target ng PNP ang ‘zero incident’ sa ASEAN Summit mula sa simula hanggang sa matapos ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.