(Update) Hindi lamang isa, kung hindi dalawa ang naging anak ng giant panda na si Mei Xiang sa Smithsonian National Zoo sa Washington, USA na ikinagalak ng mga zoo officials at ng publiko.
Unang ipinanganak ang isang maliit na panda cub na halos sinlaki lamang ng daga dakong alas-5:35 pm, oras sa Amerika nitong Sabado.
Ngunit laking gulat ng mga kawani ng zoo nang muling magluwal si Mei ng isa pang cub alas 10:07 ng gabi.
Matatandaang may dalawa ng unang anak si Mei Xiang.
Unang ipinanganak ni Mei sina Tai Shan noong 2005 at sumunod si Bao-bao noong 2013.
Si Mei ay isang panda na artificially inseminated.
Nagmula ang frozen sperm na ginamit para sa aftificial insemination sa isang panda na si Hui Hui na nakatira sa China.
Nabatid na ang giant panda ang world’s most endangered species sa buong mundo at mababa ang low productive rate./ Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.